Home METRO 15-anyos kinasuhan sa pananaksak sa 13-anyos child actor

15-anyos kinasuhan sa pananaksak sa 13-anyos child actor

2
0

QUEZON CITY, Philippines — Nagsampa ang Quezon City Police District (QCPD) ng frustrated murder complaint laban sa isang 15-anyos na binatilyo dahil umano sa walong beses na pananaksak sa kanyang 13-anyos na kapitbahay na isang child actor, kaugnay ng alitan sa online game account noong Oktubre 12.

Ayon sa QCPD, naglalaro sa labas ng kanilang tirahan ang biktima kasama ang isa pang menor de edad malapit sa Golden Shower Basketball Court sa Barangay Payatas dakong alas-4:30 ng hapon nang lapitan at saksakin umano siya ng suspek.

Sinabi ni Police Lt. Col. Rowena Amata, hepe ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13), na nagtamo ang biktima ng mga sugat sa tiyan, ibabang bahagi ng likod, at kaliwang braso bago tumakas ang suspek.

Dinala sa ospital ang biktima at unang na-admit sa intensive care unit (ICU). Gising na siya at nasa stable na kondisyon, ngunit nananatiling naka-confine sa Quezon City General Hospital para sa karagdagang gamutan.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-ugat umano ang pananaksak sa alitan tungkol sa isang online game account na ibinenta ng suspek sa biktima ngunit hindi pa umano nababayaran.

Naaresto ng mga tauhan ng PS 13 ang suspek dakong alas-6:59 ng gabi noong Oktubre 12. Matapos ang inquest proceedings noong Oktubre 13, inilagay sa kustodiya ng Molave Youth Home ang 15-anyos na child in conflict with the law (CICL). RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here