Home NATIONWIDE Walang Pilipinong nasaktan sa protesta sa France – DFA

Walang Pilipinong nasaktan sa protesta sa France – DFA

1
0

MANILA, Philippines — Wala pang naitatalang Pilipinong nasangkot o nasaktan sa nagpapatuloy na mga protesta sa France at Italy, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Embassy sa Paris at Philippine Consulate General sa Milan.

Nagdulot ang mga demonstrasyon sa France ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at nagpoprotesta, malawakang pagnanakaw at sunog. Nagsimula ang kaguluhan dahil sa pagtaas ng gastusin sa pamumuhay.

Kasunod ito ng ilang linggong protesta ng mga estudyante at naganap anim na buwan bago ang halalan para sa papalit kay French President Emmanuel Macron. Tinatayang 1,200 katao ang naaresto at 150 pulis ang nasugatan.

Noong Linggo, nagbabala si Senador Erwin Tulfo, vice chairman ng Senate Foreign Relations Committee, sa mga Pilipinong manggagawa na mag-ingat sa mararahas na sagupaan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at awtoridad sa France, partikular sa Paris. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here