Home NATIONWIDE 15% ballot threshold sa Bangsamoro polls pananatilihin ng Comelec

15% ballot threshold sa Bangsamoro polls pananatilihin ng Comelec

271
0

MANILA, Philippines – Pananatilihin ng Commission on Elections (Comelec) ang 15% valid threshold para sa ballot shading para sa 2025 Bangsamoro elections.

Sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia nitong Lunes, Hulyo 7 na mananatiling epektibo ang threshold dahil inulit niya na ang kauna-unahang parliamentary polls ay pagpapatuloy ng 2025 national and elections (NLE).

Ayon kay Garcia, hindi tamang baguhin ang threshold sapagkat ito na ang kanilang nasimulan namin sa 2025 NLE.

Noong Oktubre 2025, inaprubahan ng Comelec en banc na babaan ang valid ballot shading threshold sa 15% para sa 2025 May polls — ang pinakamababang threshold mula sa 20% na itinakda noong 2010 elections.

Sinabi ni Garcia na ang paghahanda ng Comelec para sa Bangsamoro elections ay “full blast”.

Aniya inaprubahan na ng en banc ang ballot faces para sa halalan sa Bangsamoro.

Hindi bababa sa 7,000 automated counting machines (ACMs) ang gagamitin para sa halalan at sa halip na mga telecommunication unit, ang mga Starlink device ay ipapamahagi sa mga polling precinct para sa vote transmission.

Samantala, sinabi ni Commissioner Aimee Ferolino na hinahangad ng poll body na alisin ang kontrol sa Buluan, Maguindanao del Sur at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte para sa 2025 Bangsamoro elections.

Sinabi ni Ferolino, chairperson ng Comelec Gun Ban and Security Concerns Committee, na nagpapatuloy ang poll body sa paghahanda sa seguridad para sa botohan.

Kabilang dito ang paghiling ng karagdagang tauhan mula sa Afrmed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ipinaalala ni Ferolino sa publiko ang pagsisimula ng panahon ng halalan at ang pagpapatupad ng gun ban mula Agosto 14, 2025, hanggang Oktubre 28, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here