Home METRO Top 8 most wanted arestado sa Las Piñas

Top 8 most wanted arestado sa Las Piñas

246
0

MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang operasyon ng mga miyembro ng Las Piñas City police ang Top 8 most wanted person (MWP) ng station level para sa buwan ng Hulyo 2025 Lunes ng hapon, Hulyo 7.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang nadkip na suspek na si alyas Dexter, 25, walang trabaho at residente ng Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Ayon kay Tafalla, nadakip si alyas Dexter dakong alas 4:15 ng hapon sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Naisakatuparan ang pag-aresto kay alyas Dexter sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na pinamumunuan ni P/Capt. Jay Joseph M. De Guzman.

Ang warrant of arrest ay inisyu noong Hulyo 4, 2025 ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Judge Phoeve Castillo Meer ng Branch 275 kaugnay sa kinahaharap na kasong criminal ng suspek na paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa naganap na operasyon ay binasahan ang suspek ng kanyang karapatan at ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto kung saan mas minabuti niyang manahimik.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police ang suspek habang naghihintay ng commitment order na magmumula sa korte para sa paglipat ng kanyang pagkukulungan sa Las Piñas City jail.

Dagdag pa ni Tafalla na ang pagdakip sa suspek ay nagpapatunay lamang ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na kapulisan sa paghuli ng mga kriminal na naaayon sa paggabay ng Southern Police District (SPD) at sa direktiba ng Philippine National Police (PNP) para sa kaligtasan ng publiko gayundin sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here