CABANATUAN CITY- Arestado ang 15 Chinese national at 100 Pilipino na trabahador matapos salakayin ng mga tauhan ng ahensya ng National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang pagawaan ng sigarilyo, kahapon sa lungsod na ito.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, pinangunahan ni NBI Central Luzon Assistant Regional Director Isaac Carpeso Jr., ang intensive intelligence operation kasama ang BIR, sinalakay ang pagawaan ng sigarilyo kahapon (Biyernes) sa Barangay Cinco-Cinco, ng naturang lungsod.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Lizhe, 37; Hang Xin Giao, 57; Liu Tiu, 54; Liu Pei Long, 48; Wang Yi Bo, 47; Song Bao Bao, 56; Xu Wei, 52; Zhu Zui, 55; Wang Yuanfei, 47; Wang Lili, 51; Hanz Qi, 35; Wu Zeng, 44; Gao Qiu, 47; Cheng He, 45; at Cheng Tan Ong, 45, lahat ay nakatira sa nasabing pagawaan ng sigarilyo.
ahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act (Republic Act No. 12022) ang mga suspek sa Cabanatuan City Prosecutor’s Office.
Sinabi pa ni Santiago ang isa sa mga Chinese na siyang katiwala ng pagawaan ay marunong magsalita ng Pilipino. Mary Anne Sapico