MANILA, Philippines- Aabot sa 15 estudyante ang sugatan nang bumagsak ang dinaraanang tulay sa Camanitohan River sa Manito, Albay, base sa ulat nitong Biyernes.
Agad na rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at ilang mga taga-barangay, na nagsugod sa mga estudyante sa ospital.
Base sa mga residente ng barangay, bakal ang ginamit sa paggawa ng tulay, na posibleng kinalawang na kaya nasira.
Sa kasalukuyan ay gumagamit ang mga residente ng bangka para makatawid sa ilog. RNT/SA