Home NATIONWIDE PNP: Suspek sa P9.68B shabu sa Batangas, ex-US Army soldier

PNP: Suspek sa P9.68B shabu sa Batangas, ex-US Army soldier

MANILA, Philippines- Natukoy ang driver ng van na may kargang “shabu” shipment na nagkakahalaga ng P9.68 bilyon, na nasabat sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15, na dating sundalo ng United States Army, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Umalis sa Pilipinas si Alajon Michael Zarate, ang 47-anyos na driver ng van (plate number CBM5060) na may kargang shabu shipment at pumasok sa US Army noong 1997, ayon kay Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, regional director ng Calabarzon PNP.

“Umalis siya sa Pilipinas noong eight years old siya. He entered the US Army in 1997,” pahayag ni Lucas sa isang press conference sa Camp Crame nitong Huwebes.

Umalis siya sa US Army noong 2005 at umuwi sa Pilipinas noong 2008. Nagtatag umano ang suspek ng fitness center sa Metro Manila, base kay Lucas.

Si Zarate ang driver ng van (plate number CBM5060) na may kargang shabu shipment. Nasita ang van sa isang checkpoint na nagresulta sa pagkakadiskubre ng ilegal na droga.

Nilinaw din ng PNP na makikita sa official tally na ang kabuuang bilang ng nakumpiskang illegal drugs ay 1,424.53 kilo na may street value na P9.68 bilyon. RNT/SA