Home NATIONWIDE Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo nakaamba sa sunod na linggo

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo nakaamba sa sunod na linggo

MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, kung saan nagbababadyang bumaba ang presyo ng diesel at kerosene habang tataas naman ang gasolina.

Batay sa oil industry estimates sa four-day trading, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, “We will experience a mixed movement in the prices of petroleum products by Tuesday next week.”

Narito ang tinatayang range ng fuel price adjustments:

  • Gasolina – dagdag na P0.40 hanggang P0.60/litro

  • Diesel – rollback na P0.60 hanggang P0.85/litro

  • Kerosene – rollback na P0.60 hanggang P0.80/litro

Sinabi ng Energy official said na tutukuyin ang pinal na pump price adjustments matapos ang trading ngayong Biyernes.

“These domestic pump adjustments are attributed to the lingering factors of geopolitical conflict in the Middle East and the unexpected reduction of fuel demand in big economies like China and US,” ani Romero.

“However, analysts say that the volatility in the energy markets is expected to continue,” dagdag ng opisyal.

Karaniwang inaanunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes, na ipinatutupad tuwing Martes. RNT/SA