MANILA, Philippines- Humarap si MMDA Acting Chairman Atty. Romando S. Artes sa isang press conference sa MMDA office sa Pasig nitong Biyernes. Sinabi ni Artes na susunod sila sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendihin ang multa sa ilang electronic vehicles at tricycle sa national road at sinabing gagamitin nila ang palugit upang ipagbigay-alam sa mga driver ng natukoy na sasakyan ang mga alternatibong ruta. Danny Querubin