Home NATIONWIDE Dagsa ng Chinese studes sa Cagayan handang talupan ng CHED

Dagsa ng Chinese studes sa Cagayan handang talupan ng CHED

MANILA, Philippines- Kasunod ng pagkabahala ng ilang sektor, sinabi ng Commission on Higher Education (CHED) na susuportahan nito ang anumang imbestigasyon sa umano’y pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese sa Cagayan.

Nilinaw ng CHED nitong Huwebes na bukod sa St. Paul University – Tuguegarao, walang Chinese students na naka-enoll sa iba pang public colleges at universities.

Gii ng CHED, tanging St. Paul University – Tuguegarao lamang ang may awtoridad na tumanggap ng international students.

“CHED has not received complaints as to violation of St. Paul University of this Joint Memorandum. In case of complaint or reports of  violation, CHED  will forward the same to this inter-agency committee for its appropriate action,” pahayag ng CHED.

Inihayag ng ahensya na madalas na mahikayat ang foreign students sa abot-kayang de-kalidad na edukasyon at English instructional medium na iniaalok ng mga paaralan sa Pilipinas.

Itinutulak ng isang Cagayan congressman ang House inquiry sa umano’y pagdami ng Chinese students sa lalawigan, at sinabing maaaring malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa sa kanilang presensya, sa gitna ng agresyon ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Cagayan 3rd District Representative Joseph “Jojo” Lara na nakatanggap siya ng mga ulat mula sa kanyang constituents na mayroong hindi bababa sa 4,600 Chinese students sa unibersidad.

“We leave the matter to the expertise of our security agencies to investigate and recommend appropriate actions… We welcome and shall cooperate should any investigation be required,” pahayag ng CHED. RNT/SA