Home NATIONWIDE 15% lang ng Grade 1-3 ang nakababasa sa tamang antas – EDCOM...

15% lang ng Grade 1-3 ang nakababasa sa tamang antas – EDCOM 2

241
0

MANILA, Philippines – Lumabas sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na umabot sa 15 porsiyento lamang ng mga estudyante sa Grades 1 hanggang 3 ang nakakaabasa sa tamang antas, na nagpapakita ng malubhang krisis sa literasiya.

Sa National Literacy Conference sa Quezon City noong Disyembre 2, binanggit ni EDCOM 2 Executive Director Karol Mark Yee ang mga pagsusuri na nagpapakita na 85 porsiyento ng mga batang mag-aaral ay nahihirapan sa pagbasa.

“Only 15 percent of our Grades 1 to 3 students are reading at grade level — this means that 85 percent are struggling readers,” ani Yee.

Ayon sa kanya, pinakamalubha ang problema sa literasiya sa Regions VIII, IX, at XII, at binanggit ang kakulangan sa mga libro, limitado ang pagsasanay ng guro, at maliit na partisipasyon ng mga magulang bilang pangunahing hadlang.

Nanawagan ang EDCOM 2 ng agarang aksyon upang mabigyan ang mga bata ng access sa mga libro, maayos na sanay na guro, at aktibong suporta ng magulang upang maiwasan ang mas malalim na pagka-antala ng mga mag-aaral. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here