Home NATIONWIDE 15 pulis-Valenzuela sibak sa ‘pangingikil’

15 pulis-Valenzuela sibak sa ‘pangingikil’

0
15 pulis-Valenzuela sibak sa ‘pangingikil’

Labinlimang pulis ng Valenzuela City, kabilang ang dalawang unit chief at 13 non-commissioned officers, ang tinanggal sa puwesto dahil sa umano’y pangingikil, ayon sa pahayag ng lokal na istasyon ng pulisya nitong Huwebes.

Tatlo sa kanila—mga aktibong imbestigador—ang nahuli sa isang entrapment operation sa Barangay Malinta noong Miyerkules ng gabi.

Mariing kinondena ni Police Colonel Nixon Cayaban, hepe ng pulisya ng Valenzuela, ang insidente.

“Hindi namin kinukunsinti at kailanman ay hindi kukunsintihin ang anumang katiwalian sa aming hanay. Nakalulungkot kapag ang mga tagapagtanggol ng batas mismo ang sumisira sa tiwala ng publiko.”

Dagdag pa niya, “Ito ay magsilbing babala—walang sinuman ang above the law.”

Isinasagawa na ang malawakang imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here