Home METRO 150 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Port Area

150 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Port Area

MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang nasa 50 kabahayan at tindahan sa Port Area sa Maynila nitong Biyernes, Marso 14.

Sinabi ng Bureau of Fire protection (BFP) na nagsimula ang sunog sa residential area sa barangay 649 alas 4:25 ng hapon at agad na itinaas sa ikalawang alarma bandang alas 4:29 ng hapon.

Nasa 150 pamilya ang nawalan ng masisilungan dahil sa pagsiklab ng sunog.

Bukod dito, nawalan din ng hanapbuhay ang lang residente matapos madamay ang ilang mga tindahan kasama ang bigasan o tindahan ng bigas.

Idineklarang fire out ang sunog bandang alas 6:51 na ng hapon.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog na patuloy pa ring iniimbestigahan ng BFP.

Inaalam din kung ano ang naging sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng naging pinsala sa mga ari-arian. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)