MANILA, Philippines – Kinumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P16.9 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa isinagawang follow-up inspection sa Pier 14 sa North Harbor sa Maynila.
Sa nasabing inspeksyon, natuklasan ng mga awtoridad na ang pangalawang undeclared container na may tinatayang 16,900 rims ng ismagel na sigarilyo.
Matapos ang beripikasyon, ang Bureau of Customs (BOC), sinelyuhan ang container para sa inventory at further investigation.
Bukod sa Coast Guard Station Manila at ang BOC, ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Tobacco Institute (PTI), at iba pang concerned agencies ay kasama sa nasabing anti-smuggling operation. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)