Hindi bababa sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa harap ng isang mall sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila nitong Miyerkules, Enero 31, ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), umabot sa unang alarma ang sunog alas-3:14 ng hapon.
Umabot naman sa ikalimang alarma ang sunog alas-3:46 ng hapon. ibig sabihin, 10 o higit pang mga bahay ang naapektuhan at 20 fire truck ang kailangan para ma-contain ito. Idineklara itong under control dakong 5:24 p.m.
Nahirapan naman ang mga bumbero na apulahin ang ang sunog.
“Nakita n’yo ang layo ng area nakalatag siguro mahigit 10 hose para mag-abot,” Christine Cula, ani Senior Fire Marshall of Manila. RNT