MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Health Secretary Ted Herbosa ang layunin at epekto ng dalawang gamot na naging headline kamakailan—ang fentanyl at cocaine.
Ayon kay Herbosa,ang fentanyl ay pain reliever na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA)at karaniwang ginagamit ng anesthesiologists at pain specialists sa mga ospital upang ,maalis ang kirot surgical procedure.
Samantala, kinokonsidera ang cocaine na illegal at dangerous drug sa Pilipinas taliwas sa fentanyl.
“Cocaine naman is not a drug that’s being used. Cocaine is one of our dangerous drugs listed by the DDB (Dangerous Drugs Board) so it’s not in the market. ‘Yung fentanyl may FDA registration ‘yun eh. ‘Yung cocaine wala,” sabi ng health secretary.
Ayon pa sa kalihim, ito ay labag sa batas at bahagi ng listhan ng mga mapanganib na droga at ito ay dumarating sa bansang inaangkat ng mga drug pushers.
Nitong weekend, inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na drug addict. Inkusahan din ang pangulo na nasa drug watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)ngunit tinawanan lang ni PBBM ang akusasyon laban sa kanya.
Hinamon din ng dating pangulo na sumailalim sa drug test sa harap ng publiko si Marcos Jr upang mapatunayan na hindi siya drug user. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)