Home NATIONWIDE Revenue collection ng BOC noong Abril, lampas pa sa target

Revenue collection ng BOC noong Abril, lampas pa sa target

MANILA, Philippines – IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC) na nalagpasan nila ang kanilang revenue collection performance para sa buwan ng Abril 2024 kung saan lumagpas ng P3.192 bilyon mula sa target nitong koleksyon.

Ayon sa BOC, nakakolekta sila ng kabuuang P 80.822 bilyon, na higit pa sa target nitong P77.630 bilyon.

Nabatid na mula Enero hanggang Abril, nakakolekta ang BOC ng P299.674 bilyon na kita, na lagpas sa target na koleksyon nito na P288.526 bilyon ng 3.86%.

Umabot sa P11.148 bilyon ang surplus kung saan nasa 6.50% ang itinaas nito na may katumbas na P18.292 bilyon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“The BOC attributes its exceptional collection performance to several factors, notably its heightened rate of assessment. The revenue collected by the agency plays a crucial role in fueling social and economic development initiatives across the country,” saad ng BOC.

Nagsasagawa ang BOC ng mga hakbangin sa pagpapadali sa kalakalan sa pamamagitan ng mga workshop, kumperensya, at internasyonal na pakikipag-ugnayan. Bukod dito, ang pinaigting na mga pagsisikap laban sa smuggling ay humantong sa mga makabuluhang pangungumpiska sa unang quarter ng 2024.

“By diligently executing our duties, we aim to not only meet revenue targets but also to catalyze socio-economic development initiatives that positively impact the lives of our countrymen. We strive to create a brighter future for all Filipinos, ensuring that the benefits of our efforts are felt across communities,” ani BOC Commissioner Bienvenido Rubio. JAY Reyes