Home NATIONWIDE 1,500 tirahan sapul sa water shortage sa Agusan

1,500 tirahan sapul sa water shortage sa Agusan

1
0

MANILA, Philippines – Sinapul ng water shortage ang nasa 1,500 tirahan sa San Franciso, Agusan del Sur mula pa noong katapusan ng Hulyo.

Pinakaapektado ang matataas na bahagi ng tatlong poblacion barangays at kalapit na Barangay Alegria ayon sa San Francisco Water District (SFWD).

Nakatutulong sa pagdagdag ng suplay ng tubig ang mga pag-ulan sa kagubatan ng Mt. Magdiwata, ngunit dahil sa below-normal na mga pag-ulan ay matindi ang naging pagbaba ng lebel ng tubig sa Mt. Magdiwata.

Ayon kay Engineer Leonilo Tandog Jr., hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, plano ng lokal na pamahalaan na bumili ng water filtration truck.

Ani Tandog, nagsasagawa na ang munisipyo ng pagrarasyon ng tubig sa pakikipag-ugnayan sa SFWD.

Samantala, ipinanukala naman ni Mauro Bravo Jr., isang retired public works district engineer, ang pagtatayo ng malaking water-impounding facility sa upper portion ng Mt. Magdiwata para sumalo sa mga ulan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here