Home NATIONWIDE 8 patay, 18 nawawala sa lumubog na ferry sa Cyprus

8 patay, 18 nawawala sa lumubog na ferry sa Cyprus

1
0

CYPRUS – Walo ang namatay habang 18 ang nawawala matapos lumubog ang isang ferry na may sakay na 270 pasahero at crew sa North Cyprus nitong Linggo, Agosto 30.

Sa ulat, umalis ang privately owned ferry sa port of Kyrenia bandang 12:30 ng hapon at agad na naglayag sa hindi pa alam na dahilan.

Ang ferry ay patungo sa Turkish port ng Tasucu sa eastern Mediterranean.

Ayon sa mga nakaligtas, naging magalaw ang ferry bago ito tumama nang malakas sa tubig at nasira ang bow ng two-hulled vessel dahilan para makapasok ang tubig.

May sakay ang ferry na 267 indibidwal, kabilang ang walong crew. Nasagip naman agad ang 241 sa mga ito.

Samantala, sinabi ng Turkish Cypriot authorities na ang kapitan ng barko at pitong crew ay na-detain na para sa imbestigasyon.

Nagpaabot ng pakikiramay si Turkish President Tayyip Erdogan sa mga apektadong pamilya at nangako na tutulungan ang mga ito.

“Efforts to reach those who are still missing continue uninterrupted,” ani Erdogan.

“God willing, we hope to receive positive news from these efforts.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here