Bulacan – Hindi nagdalawang isip ang mga pulis na tulungan ang isang ginang na manganganak na sa kasagsagan ng pagbaha at pag-ulan sa lungsod ng Meycauayan nitong Agosto 30.
Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office, bandang 1:00 ng madalig araw, habang nagsasagawa ng traffic assistance and monitoring sa flood-affected areas malapit sa Brgy. Banga bridge ang mga pulis ay lumapit sa kanila ang isang humahangos na lalaki para humingi ng tulong dahil manganganak na ang kanyang asawa.
Dahil dito, hindi na nagpatumpik-tumpik ang mga alagad ng batas, agad nlang isinakay ang mag-asawa sa kanilang police mobille car.
Sa kasagsagan ng kanilang biyahe sa mga bahang kalsada ay nagtuloy-tuloy ang paglabor ng ginang at sa tulong ng mga pulis kasama ang mister ay inuluwal niya ang sanggol sa nasabing sasakyan.
Nang makarating sa ospital ang mag-ina ay agad silang binigyan ng medical attention at kalaunan ay iniulat na safe and stable condition ang mga ito.
Kaugnay nito, pinuri ni PLTCOL Melvin Florida, hepe ng Meycauayan City police station ang mga pulis na kanyang nasasakupan na mabilis na tumulong sa nangangailangan at sa kanilang dedikasyon sa tungkulin. Dick Mirasol III