Home HOME BANNER STORY 150K arawang pasahero inaasahan na ng DOTR sa NAIA ngayong Semana Santa

150K arawang pasahero inaasahan na ng DOTR sa NAIA ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines – Inaasahan na ang nasa 150,000 mga pasahero sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) araw-araw ngayong Semana Santa, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon.

Ani Dizon, nakipag-ugnayan na siya sa San Miguel Corp., na siyang nangangasiwa sa operasyon ng paliparan, maging sa Manila International Airport Authority (MIAA), para masigurong ligtas, maayos at tuloy-tuloy ang travel experience ng mga pasahero sa NAIA.

“Napakadaming dumadagsa sa ating mga airports ngayon. Sa NAIA lang, baka ine-estimate na aabutin ng 150,000 kada araw ang dadagsa sa ating mga airport na bibyaheng mga kababayan natin,” pahayag ni Dizon sa panayam ng DZBB.

Nagtalaga na ng mga karagdagang tauhan ang private operator ng NAIA sa check-in counters para sa mahahahang pila, at dinoble na rin ang driveway lanes para mabawasan ang vehicular traffic.

Samantala, inayos din ang mga palikuran sa NAIA.

Bukod sa mga paliparan, naka-high alert na rin ang mga pantalan at bus terminal ngayong Semana Santa. RNT/JGC