Home NATIONWIDE Kaso ng dengue sa QC bumaba ng 90%

Kaso ng dengue sa QC bumaba ng 90%

MANILA, Philippines – Iniulat ng Quezon City Government ang pagbaba ng 90% sa mga kaso ng dengue sa lungsod.

Ito ay makalipas ang dalawang buwan nang pagdedeklara ng outbreak sa dengue.

Ayon sa Epidemiology and Surveillance Division ng QC Health Department, ang mga kaso ng dengue ay bumaba mula sa 626 sa pagitan ng Pebrero 16-22 sa 64 mula Abril 2 hanggang 8.

Inalis na rin ang outbreak status ng dengue sa 123 barangay sa lungsod, bagamat mayroon pang 19 na barangay na nasa taas ng epidemic threshold.

Itinuturong sanhi ng pagbuti ang “success of its intensified multi-stakeholder effort to control the outbreak.”

“This continued decrease in dengue cases is very encouraging, but it is not a reason for us to be complacent,” saad sa pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

“While we have already scaled down our interventions in barangays under low alert, we must continue to keep our communities clean and vigilant—especially when it comes to the health of our children,” dagdag pa niya.

Matatandaan na idineklara ang dengue outbreak sa Quezon City noong Pebrero sa paglobo ng mga kaso ng sakit at 10 iniulat na nasawi. RNT/JGC