Home NATIONWIDE 152 PDL ng New Bilibid Prison, laya na!

152 PDL ng New Bilibid Prison, laya na!

MANILA, Philippines – Bagong taon, bagong buhay!

Ito ang matatamasa ng 152 na persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) na nakalaya ngayong araw, Disyembre 30.

Pinangunahan ni BuCor Director Gregorio Catapang ang pamamahagi ng Certificate of discharge from prison o ang release order sa 152 na PDL.

Nabatid na ang mga ito ay nabigyan ng pardon o parole, natapos na ang pagsisilbi ng sentensya o kaya ay napawalang-sala ng korte.

Batay sa datos, umabot na sa 7,707 ang mga napalayang PDL mula buwan ng Enero hanggang Disyembre.

Sinabi ni Catapang na prayoridad ng BuCor ang pag-decongest ng New Bilibid Prisons at iba pang prison and penal farm.

Siksikan aniya ng 350 percent ang lahat ng kulungan sa bansa kaya target ng BuCor na mabawasan ito ng 200 percent sa darating na 2025. TERESA TAVARES