Home NATIONWIDE 15,212 ASF hog deaths naitala sa Lobo, Batangas

15,212 ASF hog deaths naitala sa Lobo, Batangas

MANILA, Philippines – Naitala ng Batangas provincial government ang 15,212 hog deaths dahil sa African swine fever (ASF) sa Lobo, Batangas.

Sa 26 barangay sa naturang bayan, 21 ang may kaso ng ASF na karamihan sa mga apektado ay pawang mga backyard farms.

“Around 15,212 na po yung mortalities. Ito po yung may recorded kami na namatay na po, na depopulate, nabaon. Hindi pa po kasama dito yung mga hindi na po na report sa amin na nag kanya-kanya na po pagbabaon yung mga farmers natin,” pahayag ni Angelique Romero, Public Information Officer ng Lobo.

Samantala, gumagawa na ng hakbang ang Department of Agriculture laban sa ASF.

Bukod sa vaccinations, nagpapatuloy din ang
repopulation ng mga baboy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Lumilikha rin ang ahensya ng bagong polisiya sa pagbibiyahe at pagbebenta ng ASF-free hogs mula sa mga red zone at iba pang lugar.

“Hinihintay lang natin yung pag-issue nitong nasabing guidelines para masigurado natin na yung mga ASF-free na baboy ay makarating sa mga pamilihan, sa slaughterhouse at hindi hintayin na maapektuhan ng ASF sa mga red zone,” ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa. RNT/JGC