MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo ng umaga, Setyembre 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tumama ang lindol 8:49 ng umaga at ang sentro nito ay naitala sa silangan ng munisipalidad ng Sarangani.
May lalim itong 10 kilometro at tectonic in origin.