MANILA, Philippines – Nabuo bilang isang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Eastern Visayas na pinangalanang Enteng.
“At 8:00 AM today, the Low Pressure Area east of Eastern Visayas developed into Tropical Depression #EntengPH,” sinabi ng PAGASA nitong Linggo, Setyembre 1.
Sisimulan na ang paglalabas ng tropical cyclone bulletin simula alas-11 ng umaga.
Huling namataan ang LPA sa layong 175 kilometro silangan hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 205 km silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Ito ang ikalimang bagyo ngayong taon. RNT/JGC