MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo na 156 party-list groups ang isasama sa raffle na tutukoy sa order of listing sa opisyal na balota ng 2025 midterm elections.
Isasagawa ang electronic raffle ng alas-9 ng umaga sa Oktubre 18.
Sa bilang, 113 ang umiiral na party-list group, 42 ang bagong rehistradong organisasyon at isa na nakakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema.
Ang umiiral na party-lists ay ang 1 RIDER, 1PACMAN, 1TAHANAN, 4PS, A TEACHER, AA KASOSYO, ABANG LINGKOD, ABONO, ABP, ACT TEACHERS, ACT-CIS, AGAP, AGIMAT, AGRI, AHON MAHIRAP, AIA, AKBAYAN, AKO BICOL, AKO BISAYA, AKO OFW, AKO PADAYON, AKTIBONG KAAGAPAY, ALONA, ANAKALUSUGAN, ANG KOMADRONA, ANG PROBINSYANO, ANGAT, ANG KASANGGA, APAT DAPAT, APEC, API PARTY, ARISE, ARTE, ASAP NA, ASENSO PINOY, AANGAT TAYO, BABAE AKO, at BAGONG PILIPINAS.
Kasama rin sa raffle ang BARKADAHAN, BAYAN MUNA, BH BAGONG HENERASYON, BHW, BICOL SARO, BTS BAYANING TSUPER, BG, BUHAY, BUNYOG, CIBAC, CLICK, COOP NATCCO, CWS, DIWA, DUMPER PTDA, DUTERTE YOUTH, EPANAW SAMBAYANAN, GABRIELA, GILAS, GP, HELP PILIPINAS, HUGPONG FEDERAL, IPATUPAD, JUAN PINOY, KABATAAN, KABAYAN, KALINGA, KAMALAYAN, KAMANGGAGAWA, KAPUSO PM, KM NGAYON NA, KUSUG TAUSUG, LAANG KAWAL, LPGMA, LUNAS, MAAGAP, MAGDALO, at MAGSASAKA.
Ang MAHARLIKA, MALASAKIT@BAYANIHAN, MANILA TEACHERS, MOCHA, MURANG KURYENTE, OFW, ONE COOP, P3PWD, PAMILYA MUNA, PAMILYANG MAGSASAKA, PATROL, PBA, PEOPLE’S CHAMP, PHILRECA, PINOY AKO, PINUNO, PROBINSYANO AKO, PROMDI, PUSONG PINOY, RAM, SAGIP, SBP, SENIOR CITIZENS, SULONG DIGNIDAD, TGP, TICTOK, TINGOG, TODA AKSYON, TRABAHO, TUCP, TULUNGAN TAYO, TURISMO, TUTOK TO WIN, FRONTLINERS, UNITED SENIOR CITIZENS, USWAG ILONGGO, at WIFI ay nasa listahan din.
Habang ang mga bagong party-list ay ang 1AGILA, 1MUNTI, 4K, ABAMIN, ABANTE BISDAK, AKAY NI SOL, AKO TANOD, AKSYON DAPAT, ARANGKADA PILIPINO, BATANG QUIAPO, BBM, BFF, BIDA KATAGUMPAY, DAMAYANG FILIPINO, EDUAKSYON, FPJ PANDAY BAYANIHAN, GABAY, HEAL PH, HEALTH WORKERS, ILOCANO DEFENDERS, at KABABAIHAN.
Kasama ring pinayagan sa raffle ang KASAMBAHAY, KAUNLAD PINOY, LINGAP, MAGBUBUKID, ML, MPBL, NANAY, PAMANA, PAMILYA KO, PBBM, PBP, PINOY WORKERS, PPP, SOLID NORTH PARTY, SOLO PARENTS, SSS-GSIS PENSYONADO, SWERTE, TUPAD, UGB, VENDORS at WAGE HIKE.
Pasok sa listahan ang Ang Tinig ng Seniors matapos makakuha ng TRO mula sa korte.
Noong Disyembre 2021, inilabas ng Korte Suprema ang TRO sa Comelec rulings na itinatanggi ang pagpaparehistro ng Ang Tinig ng Seniors, Igorot Warriors International at Alliance for Resilience, Sustainability and Empowerment dahil ang kanilang mga petisyon ay lumalabas na “sufficient in form and substance.”
Sinabi ng Comelec na maaari pa ring magbago ang listahan sa mga susunod na araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden