Home NATIONWIDE 15,684 nakapasa sa crim licensure exam

15,684 nakapasa sa crim licensure exam

MANILA, Philippines – Nakakuha ng pinakamataas na marka sa criminologists licensure examination na ginanap noong nakaraang buwan ang isang nagtapos sa Notre Dame of Tacurong College.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 15,684 sa 32,495 ang pumasa sa pagsusulit, na ibinigay ng Board of Criminology noong Pebrero sa 28 testing centers sa buong Pilipinas.

Si Mark Angelo Hidalgo Marquez ng Notre Dame of Tacurong College ang topnotcher na may score na 91.30%, habang ang best-performing school na may 50 o higit na examinees ay ang Tarlac State University (Tarlac College of Technology).

Sa lahat ng 89 sa mga kumukuha ng pagsusulit nito ay pumasa.

Maaring makita ang buong listahan ng mga pumasa sa February 2024 criminologists licensure examination sa PRC website . (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleSSS sa mga miyembrong may utang pa: Mag-avail ng loan penalty condonation
Next articleDOH: Lung injury sa minors naitala sa vape!