MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na may unpaid short-term loans na mag-avail ng penalty condonation program ng ahensiya.
Sa isang kalatas, sinabi ni SSS executive vice president for investments sector Rizaldy Capulong na ang mga miyembro na may past-due loans ay maaaring maibalik o mabawi ang kanilang ‘good credit standing’ sa pension fund sa pamamagitan ng Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty (Conso Loan).
Sa ilalim ng Conso Loan program, ang pension ng mga manggagawa sa pribadong sektor ay iwi-waive ang multa para sa mga unpaid loans.
Pagsasamahin naman ng SSS ang ‘principal at interest’ ng past-due short-term member loans ng miyembro sa isang consolidated loan, habang ang lahat ng unpaid penalties ay isasama naman at papayagan o iwi-waive sa oras na mabayaran na ng buo ang pinagsama-samang loan o utang.
“We listen to the clamor of our members, one of which is to offer a condonation program for those who have past-due loans,” ayon kay Capulong.
Aniya pa, ang mga miyembro na mayroong ‘outstanding loan obligations’ sa kanilang sahod, kalamidad, emergency, at restructured loans, kabilang na ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), ay kuwalipikadong mag- avail ng programa.
“We want to persuade our members with unpaid loans to grab this opportunity to pay their past-due loans without penalties through an easy payment scheme. We launched this program as a relief to our members who find it challenging to fulfill their loan obligations with the SSS. This offer is available while the program lasts,” ang litaniya ni Capulong.
Ani Capulong, ang mga interesadong miyembro ay kailangan na matugunan ang mga sumusunod na requirements para makuwalipikado sa programa:
“have a past-due short-term member loan at the time of their application, have not been granted any final benefit, such as permanent total disability or retirement at have not been disqualified due to fraud committed against the SSS have an active My.SSS account.”
Winika pa ni Capulong na ang mga miyembro ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon para sa Conso Loan program online sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.
“Members may pay their consolidated loan through a one-time payment within 30 calendar days after receiving the approval notice, or they may also opt to pay through installment,” aniya pa rin.
Samantala, para naman sa installment scheme, sinabi ni Capulong na kailangang bayaran ng mga miyembro ang downpayment na may katumbas na 10% ng consolidated loan sa loob ng 30 calendar days matapos na matanggap ang approval notice.
Ang natitirang balance ay maaari namang bayaran ng hanggang 60 buwan, kung saan ang tagal ng installment term ay nakadepende sa halaga ng unpaid loan.
Gayunman, tinuran ni Capulong na ang kapag ang miyembro ay nabigo na matugunan ang payment terms base sa consolidated loan agreement, kagyat na ikakaltas ng SSS ang ‘outstanding balance’ ng consolidated loan mula sa short-term benefits (sickness, maternity, o partial disability benefit claims) at final benefits (permanent total disability, death, o retirement), na may pahintulot ng Social Security Commission (SSC).
Ang outstanding balance ng consolidated loan ay Maaari ring ibawas mula sa death benefit ng mga benepisaryo ng miyembro o ikaltas mula sa aktuwal na pinal na ‘benefit claims.’ Kris Jose