Home NATIONWIDE Pinas ginagamit na kolateral ng US sa South China Sea -Tsina

Pinas ginagamit na kolateral ng US sa South China Sea -Tsina

MANILA, Philippines – INAKUSAHAN ng Tsina ang Estados Unidos na ginagamit ang Pilipinas bilang kolateral sa South China Sea, habang ang labanan sa pagitan ng dalawang Asian nations ay tumataas dahil sa territorial dispute sa rehiyon.

Nauna rito, ipinatawag ng Maynila ang kinatawan ng Tsina matapos na sabihin nito na ang China Coast Guard vessels ang naging dahilan ng dalawang banggaan sa mga barko ng Pilipinas at pagbomba ng tubig sa isa sa mga ito habang nagsasagawa ng resupply mission.

Ayon sa China, ito’y “took control measures” laban sa “illegal intrusion” ng mga barko ng Pilipinas sa pinag-aagawang katubigan, at akusahan ang barko ng Pilipinas na “intentionally” ay binunggo ang isang barko ng Tsina.

“China urges the United States not to use the Philippines as a pawn to stir up trouble in the South China Sea,” ang naging tugon ni foreign ministry spokeswoman Mao Ning nang hingan ng reaksyon sa pagkondena ng Estados Unidos sa naging aksyon ng Tsina bilang ‘provocative.”

“The Philippines should not let itself be at the mercy of the United States,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, nagbabala naman ang Southeast Asian at Australian leaders laban sa naging aksyon ng China kung saan inilalagay sa panganib ang kapayapaan sa South China Sea, kasunod ng bagong komprontasyon sa pagitan ng Beijing at Pilipinas.

“We encourage all countries to avoid any unilateral actions that endanger peace, security and stability in the region,” ang nakasaad sa joint declaration ng ASEAN members at Australia. Kris Jose

Previous articlePBBM duda sa Chinese ‘research vessels’ sa Benham Rise
Next articleSSS sa mga miyembrong may utang pa: Mag-avail ng loan penalty condonation