Home NATIONWIDE PBBM duda sa Chinese ‘research vessels’ sa Benham Rise

PBBM duda sa Chinese ‘research vessels’ sa Benham Rise

MANILA, Philippines – DUDA si Pangulong Ferdinand ‘ Marcos Jr. na pagsasaliksik lamang ang ginagawa ng isang Chinese research vessel na namataan sa Benham Rise.

Para sa Pangulo, malinaw na intrusyon o panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas ang ginawang ito ng Tsina lalo pa’t hindi naman kailangan ang presensiya ng Chinese research vessel sa lugar.

”Once again, this is a clear intrusion into our Philippine maritime territory and it is, as usual, of great concern. And I see this as absolutely unnecessary because if it is truly a research vessel then we could have come to a very simple agreement that the research vessel will ply the waters and do the research that they need to do,” ayon kay Pangulong Marcos.

”However, there is a suspicion that they are not only research vessels so, again, this is a bit of an escalation of the tension that is present in the West Philippines Sea,” dagdag na wika nito.

Ang Benham Rise ay parte ng karagatan sa Philippine Sea na bahagi ng Pilipinas.

Ito ay inaayunan ng United Nations Law of the Seas (UNCLOS).

Opisyal na kinikilala ng UNCLOS na ang naturang karagatan ay bahagi ng extended continental shelf ng Pilipinas at nakapaloob sa ating exclusive economic zone, bagamat hindi ito matatawag na ating teritoryo.

May karapatan ang Pilipinas na tuklasin at anihin ang anumang likas na kayamanan sa karagatang ito, tulad ng mga mineral at laman-dagat. Ito ay tinatayang nasa 250 kilometro sa silangan ng hilagang baybayin ng Dinapigue, Isabela.

Kung literal na tatagalugin, ang ibig sabihin ng Benham Rise ay Talampas ng Benham. Kris Jose