Home HEALTH DOH: Lung injury sa minors naitala sa vape!

DOH: Lung injury sa minors naitala sa vape!

MANILA, Philippines – Hiniling ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang tulong ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak na ang mga menor de edad ay walang access sa e-cigarettes sa gitna ng mga kaso ng mga kabataang Pilipino na dumaranas ng mga pinsala sa baga.

Partikular na hiniling ni Herbosa kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. upang matiyak na mahigpit na ipinatutupad ang partikular na probisyon ng Republic Act 11900 na may kinalaman sa pagbabawal sa pagbebenta ng mga vape sa mga taong wala pang 18 taong gulang.

Ang RA 11900, na naging batas noong 2022, ay naglalayong i-regulate ang pag-import, pagbebenta, pag-iimpake, pamamahagi, paggamit at komunikasyon ng vaporized nicotine at non-nicotine products at novel tobacco products.

Kabilang dito ang mga electronic cigarettes at pinainit na produktong tabako.

Sinabi ni Herbosa na habang ang batas ay partikular na nauugnay sa pagbabawal ng pagbenta sa mga minors, aniya nakita niya mismo paano gumamit ang mga minors ng vapes habang sila ay naka-uniporme.

“This is alarming because I talked to the director of the Lung Center of the Philippines and they have cases of minors, below 18, that already have lung injury from e-smoking from e-cigarettes and e-vaping,” sabi ni Herbosa sa isang panayam nang makipagpulong kay Acorda.

Sa panig naman ni Acorda, sinabi niyang inatasan na ang head na si Directorate for Operations, Maj. Gen. Ronald Lee, upang bumalangkas ng mga alituntunin sa pagpapatakbo na magbibigay diin sa pagprotekta sa mga menor de edad, kabilang ang pag-aresto sa mga nagbebenta.

“The provision of the law is clear, the protection of the minors is the intention of the law,” sabi ni Acorda.

“Also, we will be having our community awareness program and through the media. We will make sure that this opportunity that we have now to inform the public of the bad effects of vaping,” dagdag pa ng opisyal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article15,684 nakapasa sa crim licensure exam
Next articleGlutathione drip deaths paiimbestigahan ni Nancy