MANILA, Philippines – Nais paiimbestigahan ni Senador Nancy Binay ang napaulat na pagkamatay na iniuugnay sa hindi awtorisadong paggamit ng intravenous (IV) glutathione tulad ng ginawa ni Mariel Rodriguez sa Senado.
Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Binay sa kanyang Proposed Senate Resolution Number 952 na layunin nitong utusan ang kinauukulang komite na magsagawa ng imbestigasyon upang makalikha ng batas sa isyu.
“it is alarming that despite warnings given by the FDA and the Department of Health that the use of injectable glutathione for beauty enhancement and skin treatment is unsafe and illegal, celebrities and public figures continue to endorse the same,” ayon kay Binay.
Binanggit din ni Binay na may ilang “health at beauty salons, wellness spas t beauty clinics sa bansa” ang nag-aalok ng IV drips gamit ang isang skin tightening agents kasama ang reduced glutathione, vitamin C at iba pang injections sa kabila nang kawalan ng aprubal ng FDA.
“Injectabie glutathione is only permitted as an adjunct treatment in cisplatin chemotherapy,” giit ni Binay.
Tinukoy din ng resolusyon ang napaulat na pagkamatay sanhi ng hindi awtorisadong paggamit ng IV glutathione, sa pagsasabing: “it brings to the forefront the need for stronger regulatory oversight to prevent such tragic outcomes.”
Uminit ang isyu paggamit ng beauty supplements sa pamamagitan ng IV drip o infusion matapos magpost ng photo ang kabiyak nni Sen. Robin Padilla na Mariel sa kanyang social media account na naglalagay ng Glutathione IV drip sa tanggapan ng asawa nito
Naunang pinagtawanan ni Padilla, ang batikos sa ‘drip session’ ni Rodriguez sa Senado.
Nagpalabas ang FDA ng advisory warning laban sa paggamit ng Glutathione bilang skin lightening agent.
“It said the treatment has not been proven to be safe or effective, and could have side effects on the liver, kidneys and nervous system,” paliwanag ni Binay.
Popular sa Pilipinas ang paggamit ng skin whitening products at procedures na bilang pampapunit ng balat at at iba pang Western features na nakikitang senyales ng isang mataas sa lipunan. Ernie Reyes