MANILA, Philippines – UMABOT na sa 16 na kompanya na sangkot sa illegal trade practices ang nasa blacklist ng Department of Agriculture (DA).
Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang hakbang na ito sa press briefing sa Malakanyang sabay sabing kabilang sa listahan ang mga kompanyang sangkot sa imporatsyon ng gulay at isda.
“Ang actual blacklisted ngayon is 10. But ang list namin is actually 16. Iniisa-isa na ‘yan,”ang sinabi ni Tiu Laurel.
Sa mga nasabing kompanya, apat ang kinasuhan ng iba’t ibang illegal trade practices.
Samantala, ang mga kompanyang nasa blacklist ay ang Thousand Sunny Enterprises; R2H Trading; Gingarnion Agri Trading; Lavaly Aggregates Trading; Flevo Trading; Saturnus Corporation; LVM Grains Enterprises; Kysse Lishh Consumer Goods Trading; JRA and Pearl Enterprises Inc.; Betron Consumer Goods Trading; Golden Rays Consumer Goods Trading; La Reina Fresh Vegetables and Young Indoor Plants Inc.; Vegefru Producing Store; Yem Trading Corporation; at RCNN Non-Specialized Wholesale Trading. Kris Jose