MANILA, Philippines – NANGAKO at tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga lokal na magsasaka na aayusin nito ang importasyon ng sibuyas.
Binigyang diin ang kanyang commitment na epektibong pangasiwaan ang situwasyon.
”Everyone is entitled to their own opinion. But I’m here to manage, I’m not a farmer, I’m not an importer, I’m the DA Secretary and here to manage the situation,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa press briefing sa Malakanyang.
Pinawi naman ng Kalihim ang pag-aalala ng mga magsasaka sabay sabing ‘Mahirap naman na wala akong gawin, hayaan na lang maghintay ako ng sitwasyon na kung kelan ba talaga magha-harvest ng farmers,.’
Sa kabilang dako, sinabi ni Tiu Laurel na kapos ng 7,000 tonelada ang suplay ng sibuyas ngayong buwan ng Pebrero at ang importasyon ay isang “tactical move”, pagtiyak na ang pamahalaan ay maaari lamang umangkat ng limitadong dami para mapunan ang puwang.
Samantala, binigyang diin naman ng Department of Agriculture (DA) na ang mga inangkat ay nakatakdang dumating bago ang ‘peak harvest’ para mabawasan ang kanilang epekto sa lokal na magsasaka.
Gayunman, iginiit naman ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Executive Director Jayson Cainglet na bagama’t hindi nila kinokontra ang importasyon, iyon ay dahil hindi ito ang tamang panahon.
Tinuran nito na may ilang magsasaka ang nagsimula nang mag-ani nang wala sa panahon, nangangamba ng pagbaba sa farm gate prices sa oras na pumasok na sa merkado ang imported na sibuyas. Kris Jose