MANILA, Philippines – Dumating na ang 16 pang overseas Filipino workers (OFW) mula Lebanon matapos boluntaryong tanggapin ang repatriation program ng gobyerno.
Sa post sa social media, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang mga OFWs ay dumating via Emirates flight EK33.
Sinabi ng DMW na bawat nagbabalik na OFW ay agad na nakatanggap ng financial assistance na halagang P75,000 mula DMW AKSYON Fund, P75,000 mula Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Idinagdag ng ahensya na tutulungan din silang magkaroon ng sariling pangkabuhayan kung nais nilang magsimula ng negosyo o maghanap ng alternatibong oportunidad sa trabaho.
Sa ngayon, kabuuang 305 OFWs na ang napauwi ng gobyerno ng Pilipinas mula Lebanon na nasa Alert Level 3 dahil sa Israel -Hezbollah conflict. Jocelyn Tabangcura-Domenden