Bulacan – Isang bangkay ng hindi nakilalang babae na umanoy may sugat o matinding pinsala sa ulo ang natagpuan sa bayan ng San Miguel.
Sa report ng pulisya, ang bangkay ay tinatayang may taas na 5’3, medium built, nakasuot ng black short at gray t-shirt.
Ayon sa pulisya, isang tawag ang kanilang natanggap bandang 8:20 ng umaga nitong Agosto 29 na nagsabing may nadiskubreng bangkay sa Zone 4 Brgy. King Kabayo.
Agad tumulak ang mga pulis sa lugar para mag-imbestiga hanggang sa tumambad sa kanila ang bangkay na may malaking pinsala o sugat sa ulo.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at humiling ng flash alarm kasabay ang tulong ng Bulacan Forensic Unit para sa proseso sa crime scene. Dick Mirasol III