Home ENTERTAINMENT Stell, sinagot ang gender issue!

Stell, sinagot ang gender issue!

Manila, Philippines – Hindi mamatay-matay ang isyu tungkol sa sekswalidad ni Stell Alejo na member ng SB19.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, napag-usapan nga ang isyung ito at matapang itong sinagot ni Stell.

Ayon sa binata, wala siyang nakikitang problema kung sakali mang bakla siya.

Hindi raw ito isang uri ng insulto para sa kanya na palagi ngang ibinabato sa kanila.

“Hindi ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yong ganu’ng klaseng bagay?

“Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na if ever man isipin nilang ganu’n. Kasi if ever man ganu’n ako, what’s the problem?

“So, if ever man na ganu’n ako, ano’ng problema? So, may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin?

“Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi,” ang dire-diretsong paliwanag ni Stell.

In-address din ni Stell, ang ginagawang pagsi-ship sa kanila ng ilang fans na inaakala ng iba na totohanan na at nalalagyan na ng malisya.

“Katulad nga po no’ng mga gano’ng issue, na mahilig ‘yong mga fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan ‘yon.

“Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang ganu’n ‘yong tingin ng tao, eh, sa amin parang normal naman ‘yun bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala ‘yung iniisip nila,” paliwanag pa ni Stell.

Pakiusap ni Stell, sana raw ay tigilan na ang mga kanegahan dahil ang gusto lamang nila ay maging masaya ang lahat at ma-enjoy ang kanilang mga ginagawa para sa lahat ng fans.

“Wala naman kaming problema sa mga ganoong klaseng issue kasi willing naman po kaming sagutin lahat,” sey pa ni Stell. Rommel Placente