Home ENTERTAINMENT GMA head writer, dismayado kay Jinggoy!

GMA head writer, dismayado kay Jinggoy!

Manila, Philippines – Hindi nagpatinag si Suzette

Doctolero, head writer ng GMA, na magpakawala ng kanyang mga saloobin sa naganap muli na Senate hearing nitong August 27 kaugnay ng mga kaso nina Sandro Muhlach at Gerald Santos laban sa kanilang mga inaakusahan.

Doctolero took to her Facebook account her disgust over the way Senator Jinggoy Estrada particularly handled the case.

Present si Jojo Nones na pinaratangan ni Sandro ng sexual abuse habang naka-confine naman ang kasamahan nitong si Richard

“Dode” Cruz sa ospital.

Nu’ng araw na ‘yon ay bale walong araw nang naka-detain si Nones sa Senado dahil he was cited in contempt sa ani Jinggoy ay pagsisinungaling nito.

Ikinabuwisit nga ng senador ang paulit-ulit na pag-iwas ni Nones na sagutin ang mga tanong supposedly “in aid of legislation.”

Ani Doctolero, hindi pa raw ba sapat ang sampung kaso ng sexual harassment–ayon sa dinig niya–which ABS-CBN has dealt with since 2010 at isang kaso naman sa TV5 na naresolba na?

Katwiran ng head writer, tila sapat na ‘yon para rebyuhin at amyendahan ang batas ukol sa mga ganitong kasong umiiral sa mga TV network.

Binakbakan din ni Doctolero ang asal ni Estrada na “feeling prosecutor kundi man judge” sa isang kaso na nasa DOJ na.

“Overstepping” sa kanyang tungkulin ang paratang ni Doctolero kay Jinggoy na tila hindi alam ang kanyang trabaho bilang mambabatas.

Samantala, kinuwestyon din ni Atty. Maggie Garduque, legal counsel nina Nones at Cruz, ang ipinag-utos na ikulong si Nones.

Ayon sa abogado, sa tagal daw niya sa propesyong ito’y ngayon lang niya narinig na kayang magpakulong ng isang mambabatas ang taong hindi umaamin sa kanyang kasalanan.

Samantala, mas naging klaro raw kay Doctolero ang “disparity” o kaibahan ng mga kaganapan sa Senado at Kongreso.

Binanggit ni Doctolero ang ‘di pagde-detain kay Alice Guo sa Senado gayong “napaglaruan” na nga sila nito.

Dahil daw ba may mga protektor si Guo?

Paano na lang daw ang mga ordinaryong mamamayan? Ronnie Carrasco IIi