Home METRO Paslit lunod sa container

Paslit lunod sa container

MANILA, Philippines – Patay ang 3 taong gulang na batang lalaki matapos umanong malunod sa isang container na puno ng tubig, sa Tayabas City, Quezon.

Iniulat ng pulisya na nakitang wala nang buhay ang batang si “Gabriel” sa loob ng water container sa labas ng barracks ng mga construction worker sa Barangay Ibabang Palale bandang alas-5 ng hapon.

Sa report, mag-isang naglalaro ang bata na posibleng nahulog sa container dahilan para ito ay malunod.

Masusi itong iimbestigahan ng mga awtoridad at posibleng isailalim din sa autopsy ang katawan ng biktima upang matukoy kung ano talaga ang ikinamatay nito. RNT/JGC