Home NATIONWIDE 1,698 pasado sa Midwife Licensure Examination

1,698 pasado sa Midwife Licensure Examination

MANILA, Philippines- Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang listahan ng nakapasa sa April 2024 Midwife Licensure Examination (MLE).

Nitong Mayo 6, sinabi ng PRC na 1,698 mula sa 2,975 examinees, o 57 percent ang nakapasa sa pagsusulit.

Nakakuha ng pinakamataas na average score na 91.70 si Judah Paulo Espero ng Camarines Sur Polytechnic College- Nabua sa naturang licensure exam.

Ginanap ang pagsusulit noong Abril 29 at 30 sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi, Lucena, Pagadian, Rosales, Tuguegarao at Zamboanga. Jocelyn Tabangcura-Domenden