Home NATIONWIDE Mga Pinoy ligtas sa baha, landslide sa Indonesia, Brazil – DMW

Mga Pinoy ligtas sa baha, landslide sa Indonesia, Brazil – DMW

MANILA, Philippines- Walang Pilipinong naiulat na apektado ng malawakan pagbaha sa Brazil at Indonesia nitong buwan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes.

Sa isang panayam, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ito ang impormasyong nakuha nila mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“Ang na-relay sa akin na information ay walang Filipino dun sa area na tinamaan ng flood sa Brazil, ‘yung Rio Grande do Sul, and dito naman sa South Sulawesi kung saan tumama ‘yung flood and landslide ay wala pa tayong nababalitaang Pilipinong apektado doon,” pahayag ni Cacdac.

Walang opisina ang DMW sa parehong bansa, ayon kay Cacdac.

Umakyat na sa 78 ang death toll sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa Rio Grande do Sul, isang southern state sa Brazil, kung saan mahigit 115,000 indbidwal ang inilikas.

Samantala, sa South Sulawesi sa Indonesia, 14 indibidwal ang nasawi habang 115 iba pa ang inilikas dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng hagupit ng malakas na ula.

“We’re still awaiting further update,” giit ni Cacdac. “We hope it stays that way, na walang apektadong Pilipino.” RNT/SA