Home HOME BANNER STORY NSC: Mga sirang coral itinambak sa Sandy Cay para baligtarin 2016 arbitral...

NSC: Mga sirang coral itinambak sa Sandy Cay para baligtarin 2016 arbitral ruling

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Security Council (NSC) na ang bunton ng mga patay at sirang coral na itinambak sa Sandy Cay ay isang uri ng pagtatangka para baligtarin ang naipanalong 2016 arbitral ruling ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“Kinalulungkot namin ang nangyari sa Pag-asa Cays 1,2, and 3…Lumalabas na ang daming crushed corals na galing kung saan ang itinambak doon,” ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya.

“The objective of this kind of operation,obviously, is to create a new low tide feature in the WPS. Kasi iba ang low-tide feature, it creates some sort of entitlement… This seeks to reverse the 2016 arbitral ruling kasi magkakaroon ng some sort of maritime entitlement pag nagbago ang physical attribute ng Pag-asa Cays 1,2,3,” aniya pa rin.

Nagpahayag ng pagkabahala si Malaya sa bagong kaganapan na ito, sabay sabing ang mukha at katangian ng Pag-asa ay nasa loob ng 12 nautical miles ng territorial sea ng Palawan Island.

Sa ulat, sinasabing nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island sa WPS.

Ito ang resulta ng ginawang marine assessment ng UP Institure of Biolgy, Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong buwan ng Marso.

Ayon kay Dr. Jonathan Anticamara ng UP Institute of Biology, marami sa mga bahura o corals ang patay na. Wala na rin daw gaanong isda sa lugar kung mayroon man ay maliliit na lamang.

Mayroon ding nakitang tambak na mga sirang coral reef sa naturang bahagi ng WPS, na maituturing na hindi naturally formed at posibleng dahil umano sa ginagawang aktibidad sa Pag-asa Cays, dahilan din upang lumawak ang area nito.

Paliwanag ni Anticamara, resulta ito ng posibleng overfishing, climate change o kaya naman ay dahil sa island building sa WPS.

Pero batay sa itusra ng Pas-asa Cay, malaki aniya ang posibilidad na hindi ito dahil sa natural occurances.

Kaya mungkahi nila sa mga awtoridad, paigtingin ang monitoring at assessment sa epekto nito sa reef biodiversity.

Nang tanungin naman si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea – Commodore Jay Tarriela kung sino ang posibleng may kagagawan nito – sinabi niyang wala nang iba pang dapat paghinalaan kundi ang China. Kris Jose