Home METRO 17-anyos, dinakip sa paggahasa, pagpatay sa 14-anyos na pinsan

17-anyos, dinakip sa paggahasa, pagpatay sa 14-anyos na pinsan

1
0

NUEVA VIZCAYA – Arestado ang isang 17-anyos na lalaki kaugnay sa panggagahasa at pagpatay sa kanyang 14-anyos na pinsan sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Police Capt. Lloyd Guillermo, hepe ng Kasibu Police, natukoy ang suspek matapos ang serye ng panayam sa mga saksi at mga kaanak ng biktima kasunod ng pagkakatagpo sa bangkay nito noong Hunyo 13 sa loob ng comfort room ng Information Center tourism building sa Barangay Capisaan.

Lumitaw sa imbestigasyon na magkasamang dumalo ang biktima at suspek sa isang wedding reception noong Hunyo 12 at nakita pa silang magkasama sa tourism site kinabukasan. Naiulat na nawawala ang biktima ng kanyang pamilya noong umaga ng Hunyo 13.

Sinabi ng mga awtoridad na umano’y hinarang ng suspek ang kapatid ng biktima sa pagpasok sa isang naka-lock na audio-visual room habang hinahanap ang dalagita. Kalaunan ay natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima noong hapon ding iyon.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek ang pagkakasangkot sa krimen. Kinumpirma rin ng isinagawang medical examination ng local health office na tumugma ang forensic evidence na narekober sa pinangyarihan ng krimen sa suspek.

Ang menor de edad na suspek, na walang naitalang dating kaso, ay isinailalim sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang child in conflict with the law. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here