Home NATIONWIDE 17 Chinese nationals naghain sa mas mababang sentensya sa pagkakaaresto sa cyber...

17 Chinese nationals naghain sa mas mababang sentensya sa pagkakaaresto sa cyber scam den

89
0

MANILA, Philippines – Naghain ng guilty plea ang 17 Chinese nationals na naaresto sa hinihinalang cyber scam den sa Iloilo City sa paglabag sa Republic 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa pahayag nitong Huwebes, Agosto 8, sinabi ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Alexander Ramos na ang mga indibidwal na ito ay naghain ng plea bargain kapalit ng mas mababang sentensya kasunod ng pagkaka-aresto sa kanila sa joint operation kasama ang Bureau of Immigration (BI) at Iloilo City Police noong Nobyembre 2023.

Ani Ramos, ang korte ang may “final say” kung aaprubahan ang plea bargain.

Dagdag pa niya, ikokonsidera rin ng plea bargain ang tindi ng krimen, presensya ng anumang aggravating o mitigating circumstances, at ang pagnanais ng dalawang partido na magsagawa ng negosasyon.

Ang cyber scam den, na matatagpuan sa Barangay Lawa-an sa Jaro, Iloilo City ay nilusob noong Nobyembre 4, 2023.

Nakuha sa naturang operasyon ang 24 computers, 49 mobile phones, dalawang switch hubs, dalawang routers, apat na kahon ng subscriber identity module (SIM) cards, at iba pang kagamitan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here