Home NATIONWIDE Alegasyon ni Trillanes na plunder at graft, itinanggi ng ex-Navy chief

Alegasyon ni Trillanes na plunder at graft, itinanggi ng ex-Navy chief

MANILA, Philippines – Itinanggi ni dating Philippine Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad ang alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Empedrad, pawang kasinungalingan ang mga ito.

Kamakailan ay naghain si Trillanes ng graft at plunder complaints laban kay Emperedad.

Inakusahan ni Trillanes ang dating PN officer na sangkot sa anomalya sa P16 bilyong Philippine Navy Frigate Acquisition Project sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ani Empedrad, malinis ang kanyang konsensya sa naturang paratang.

Idinagdag pa ng retiradong admiral na wala siyang alam sa motibo ni Trillanes nang ihain nito ang plunder complaint sa Department of Justice.

Dumadalo rin umano siya sa mga imbestigasyon ng Senado, Kamara at Commission on Appointments, at pare-pareho ang kanyang mga pahayag.

Dagdag pa, wala rin umanong nakitang anomalya ang mga mambabatas sa kanyang appointment bilang Navy chief.

Itinanggi rin niya ang kaugnayan sa anomalya sa proyekto dahil retirado na ito nang matanggap ng Navy ang dalawang warship. RNT/JGC