Home NATIONWIDE 17 lugar tusta sa sobrang init nitong Abril 17

17 lugar tusta sa sobrang init nitong Abril 17

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na 17 lugar ang nakaranas ng “peligrosong” heat index noong Miyerkules, Abril 17.

Sinabi ng PAGASA na may heat index na 44°C ang naramdaman sa Dagupan City, Pangasinan; Aborlan, Palawan; Puerto Princesa City, Palawan; at Catarman, Northern Samar.

Nagtala rin ito ng heat index na 43°C sa Ambulong, Tanauan, Batangas; Dumangas, Iloilo; at Guiuan, Eastern Samar.

Samantala, ang istasyon ng Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte; Bacnotan, La Union; Tuguegarao City, Cagayan; Isabela State University (ISU) station sa Isabela, Cagayan; Sangley Point, Cavite; Coron, Palawan; San Jose, Occidental Mindoro; Virac, Catanduanes; Roxas City, Capiz; at Iloilo City, Iloilo ay nakaranas ng heat index na 42°C.

Sinabi ng PAGASA na ang mga heat index mula 42 hanggang 51°C, na nasa ilalim ng kategoryang “danger”, ay nagpapahiwatig ng posibilidad ng heat stroke pagkatapos ng matagal na pagkakalantad. RNT