Nagbabala ang PAGASA na aabot sa “danger level” ang heat index o init na mararamdaman sa 17 lugar sa bansa sa Miyerkules, Abril 30, 2025, kung saan posibleng umabot ito mula 42°C hanggang 47°C.
Pinakamataas na Heat Index (47°C):
Dagupan City, Pangasinan
Heat Index na 46°C:
Baler (Radar), Aurora
Heat Index na 43°C:
Bacnotan, La Union
Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
Sangley Point, Cavite City
Cuyo, Palawan
CBSUA-Pili, Camarines Sur
Heat Index na 42°C:
NAIA, Pasay City
ISU Echague, Isabela
Iba, Zambales
Clark Airport (DMIA), Pampanga
Ambulong, Tanauan, Batangas
San Jose, Occidental Mindoro
Daet, Camarines Norte
Legazpi City, Albay
Masbate City, Masbate
Roxas City, Capiz
Pinapayuhan ang lahat na iwasan ang labis na pagbabad sa araw, uminom ng maraming tubig, at gumamit ng panangga tulad ng sombrero o payong.
Inilunsad na rin ng Office of Civil Defense ang emergency response protocols upang magbigay ng agarang tulong at masigurong ligtas ang publiko. Santi Celario