MANILA, Philippines – Inalis ng Office of the Ombudsman si Albay Governor Grex Lagman sa kanyang posisyon dahil sa grave misconduct kaugnay sa umano’y pagtanggap ng payola mula sa jueteng, isang ilegal na laro.
Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap si Lagman ng P8.1 milyon mula Agosto 2019 hanggang Hunyo 2022.
Bagamat itinatanggi ni Lagman ang mga paratang, natuklasan ng Ombudsman na ang mga deposito ay ginawa kapalit ng proteksyon sa operasyon ng jueteng sa probinsiya.
Ang desisyon, na inilabas bago ang halalan sa Mayo 2025, ay may kasamang parusang pagtanggal sa pwesto.
Plano ni Lagman na iapela sa desisyon.
“Ako ay naninindigan na hindi ako tumanggap ng anumang payola mula sa jueteng noong ako ay nakaupo na bise gobernador mula 2019 hanggang 2022,” aniya sa isang Facebook post. RNT