MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Region 12 (Soccsksargen) ang pangalawang kaso ng monkeypox (mpox) mula sa isang residente ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ang pasyente ay nasa stable na kondisyon at patuloy na minomonitor.
Ang unang kaso, mula sa Tulunan, North Cotabato, ay nakitaan din ng mas magaan na “Clade II” variant.
Isang linggo bago ito, naiulat ang mga hinihinalang kaso, at isa pang indibidwal ang nagpositibo.
Tiniyak ni Gobernador Reynaldo Tamayo Jr. na kontrolado ang sitwasyon at hinikayat ang publiko na maging maingat at sumunod sa mga health protocol. RNT